Governance & Policy

ROMUALDEZ, ‘DI HUMINGI NG DPWH PROJECT, KICKBACK— BERNARDO

Hindi kailanman humingi ng listahan ng mga proyekto o nakipag-negosasyon para sa kickback si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez mula sa...

ROMUALDEZ, ‘DI HUMINGI NG DPWH PROJECT, KICKBACK— BERNARDO

Hindi kailanman humingi ng listahan ng mga proyekto o nakipag-negosasyon para sa kickback si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ayon sa testimonya ng state witness at dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo. 

Sa isinagawang bail hearing sa Sandiganbayan Third Division ngayong araw, Oktubre 29, kinumpirma ni Bernardo sa ilalim ng cross-examination na walang nakasaad sa kaniyang mga affidavit na nag-uugnay sa dating Speaker sa mga anomalya ng ahensya. 

Pinatunayan din ng dating opisyal na wala siyang naging personal na transaksyong pinansyal o kasunduan kay Romualdez.