ALCANTARA, HINDI IDINAWIT SI MARTIN ROMUALDEZ SA FLOOD CONTROL SCANDAL
ALCANTARA, HINDI IDINAWIT SI MARTIN ROMUALDEZ SA FLOOD CONTROL SCANDAL
Muling napatunayan na walang sala at basehan ang mga paratang laban kay dating Speaker Martin Romualdez.
Mismong si dating DPWH Bulacan District Engr. Henry Alcantara na ang umamin sa Sandiganbayan. Hindi rin niya kailanman idinawit o binanggit ang pangalan ng ng Kongresista sa kanyang mga naunang salaysay at counter-affidavit.
Binigyang-diin ni Alcantara na walang anumang dokumento o direktang transaksyon na mag-uugnay kay Speaker Romualdez sa sinasabing anomalya sa mga flood control project.
Kaya naman, malinaw na destabilisasyon at pamumulitika lamang ang mga akusasyon kay Romualdez dahil base na rin sa testimonya ni Alcantara, ang mga naka-transaksyon niya ay ibang indibidwal at middlemen, at hindi si Romualdez.
Inamin rin niya na matagal nang bulok ang sistema sa DPWH at hindi dapat isisi kay Cong. Romualdez naging kalakaran na.