Governance & Policy
Breaking
DEKADA NANG TRADISYON: ‘Lahat ng proyekto sa DPWH, may Kickback!’ — Ex-Usec. Bernardo
Mismong si dating DPWH Usec.
Mismong si dating DPWH Usec. Roberto Bernardo na ang nagkumpirma at nagbunyag, matagal nang kalakaran at talamak ang sistema ng "kickback" o "SOP" sa halos lahat ng mga imprastraktura at proyekto ng ahensya sa buong bansa.
Sinabi ito ni Bernardo sa kaniyang naging testimonya bilang state witness sa Sandiganbayan Third Division noong Huwebes, Oktubre 29. Inamin ng dating opisyal na hindi lamang ang mga kontrobersyal na flood control project ang nababalot ng anomalya, kundi maging ang iba pang mga national project.
Ayon kay Bernardo na nagsilbi sa ahensya sa loob ng apat na dekada, nagsimula niyang matuklasan at maranasan ang naturang kalakaran noong taong 2002 pa nang siya ay itatalaga palang noon bilang isang district engineer.
Dito umano ay naging open secret na ang kalakaran na ang paglapit ng mga mambabatas, kontratista, at mga maimpluwensyang indibidwal upang magpasok at magpondo ng mga proyekto kapalit ng porsyento.